Get the latest updates from us for free

Wednesday, June 27, 2012

Post from the Crypt =)


And this is one more of my "nakuha-sa-baul" (dug-from-the-chest) posts. This actually came from my Friendster blog. FRIENDSTER.

Anybody still remember it? The first social networking site that we got addicted to.

(The characters in red are the author's note in present time)


TITLE: Pagpapalobo ng Laway = Instant Happiness

Masaya maging masaya..nasubukan mo na ba? Marahil para sa iba napaka walang kwenta ng tanong na ‘yan. Malamang isipin pa nila, “Duh,lahat naman ng tao sumasaya”.Pero ano nga ba ang sukatan ng totoong kasiyahan? Kung mga batang paslit ang iyong tatanungin, bigyan mo lang daw ng candies (take note: with “s” so ibig sabihin dapat marami!) eh masaya na daw sila. Kundi naman candies ay yung makatanggap sila nung pinakaasam-asam nilang laruan galing sa magulang o ninong/ninang.
Para naman sa mga taong may pagka “deep” ang personalidad, yung mga tipong philanthropist kuno ay masaya na daw sila ‘pag nakikita nila ang iba na naging masaya dahil sa kanila (weh..maniwala?! mas okay pa rin mkatanggap ng regalo ‘diba? o kaya cash na lang! HAHAHA!!)
Pero kunsabagay nga naman, ibang satisfaction naman talaga ang mararamdaman mo sa mga ganung instances diba? Kung ako ang tatanungin mo..hmm… mababaw lang naman talaga ang kaligayahan ko. Ako kasi yung tipong halos makita na ang lungs sa kakatawa na parang bang wala ng bukas kahit corny yung jokes. Ako din yung ‘di pa man nasasabi ang punchline sa sarili kong joke eh natatawa na agad (yung mga “audience” ko tawa naman ng tawa ‘di dahil sa joke ko kundi dahil sa tawa ko).Masaya na ako ‘pag nakakapanuod ng Jumong sa gabi, One Piece sa hapon at Detective Conan sa umaga (in no particular order). Sumasaya din ang araw ko ‘pag nakakapagkape ako sa umaga (at sa hapon, sa gabi, at sa…) Masaya na din ako ‘pag ako ay naalalang padalhan ng mga kaibigan ko ng jokes, quotes at yung mga txt na “eL0w p0h..”
(Uso na pala ang jejemon kahit nuon. )
Pero ang talagang nakakapagpassaya sa akin eh pag nasasagutan ko lahat ang (*drumroll*) SUDOKU Puzzles!!! (talon sa ere sabay sigaw ng “YESS!!!”)
Ganyan po kababaw si Keshia DolcÈ Megan!!! (cringe alert)
Ganyan lang naman kadaling sumaya ‘diba? Kaya nakapagtataka kung bakit meron pa ring nagpapakamatay dahil daw sa sobrang kalungkutan.Sa Amerika nga may mga “anti-depressants” pa daw na pine-prescribe! Sus! Eh manuod ka lang ng BubbleGang o Takeshi’s Castle solve na!! O kung gusto mo yung Bulagaan pa! Pero kung ang pag panuod sa mga nabanggit eh ‘di pa rin effective, ba’t di nyo sundin yung “advice” ni Kyne?
Para maging masaya ka eh magpalobo ka lang daw ng laway mo. 100x!! =)

No comments:

Post a Comment